"Mata"

Ang kanyang mga mata ang aking unang nakilala,

hindi nagpapapansin, ngunit aking nakita.


Gusto kong makita ang aking repleksiyon sa kanyang mga mata,

nagpapahiwatig na gusto kong maging parte ng buhay niya. 


Kulay ng mainit na kape sa umaga,

pagmasdan mo lamang at ika'y sisigla.


Mga matang nagiging liwanag sa dilim.

Mga matang nasilayan ang pagluha ng aking kaluluwa.

Mga matang minahal ang isang katulad ko.

Mga matang nakakapagtaboy ng mga negatibong kaisipan.


Mga matang aking babalik-balikan.



Comments

Popular posts from this blog

Pinaka-unang salaysay!

Social Media

Kulimlim