Posts

Kilala mo ba ang sarili mo?

Kilala mo ba ang sarili mo? Napagtatanto mo ba kung ano ang mga gusto mo? Napapagtano mo ba na minsan ay panig ka sakabilang dako dahil mas malakas ang bugso ng damdamin ng puso mo? Na minsan na pinapairal ang utak bago ang isip at puso. Sino ka nga ba kung walang nakakakita? Walang madla na kailangang manghaain. Walang mga mata na gustong mabusog sa iyong ihahahin. Walang mga puso na dumadaing dahil wala silang natanggap na kapalit, kahit akala mong hindi sila naghihintay ng kahit ano, malaki man o maliit. Tunay ngang hindi pa natin lubusang alam ang ating mga sarili. Tumutulong sa kapwa pero iniisip kung ano ang gusto matanggap pabalik. Nagsasabi ng totoo ngunit sa paraang iniba mo na ang buong kwento.  Nagsasabi ng kabutihan, ngunit sa kailailaliman, ay ang pakiramdam na maghasik ng kasamaan sa lahat ng bumilang na hindi sangayon sa opinion mo na magkatugma sa diablo na lubos lubusang nakakapanlilang, saglit lang, hindi kapaba naiilang?  Sa mga kinikilos mo, ika'y tunay na ...

Lumang Ako

Magandang araw!  Hindi ko alam pero namimiss ko yung dating ako. Yung magaling makipagtalastasan, yung mapagmahal at hindi masakit masalita.  Dahil ba ito sa mga taong nakapaligid sakin? Puro reklamo, puro masasakit na salita, puro mga mabibigat na ideya. Madali akong maimupluwensiyahan, kaya heto ako ngayon, bumabalik sa mga dating masamang gawi. Pero ngayon na inaayos ko na ulit ang aking sarili, napagtanto ko na pupwede pa palang magbago ulit? Palagi naman. Sabi ko sa sarili ko na kapag dumating ang panahon na hindi nako magbabago ay oras na patay nako. Alam ko ang tama sa mali, ngunit minsan, nadadala tayo ng malalakas na alon na lumulunod saatin sa pagiisip. Kapag naririnig ko ang mga salitang "mabait", "maka-Diyos" at "kaibigan ng lahat", naiisip ko ang dati kong sarili. Titiwalag ako sa mga taong mali ang ginagawa, wala akong paki-alam kung mabawasan ako ng kaibigan, kung hindi tama, hindi tama. Nangungulila nako sa dati kong gawi.

"Ikaw Lang"

" Isang mundo na punong-puno ng mga mukha , Sa dami ng tao, ikaw lang ang aalayan ng tula . Mawala man ang init mo sa aking tabi, Ikaw lang ang tanging itatangi sa gabi "

"Mata"

Ang kanyang mga mata ang aking  unang nakilala , hindi nagpapapansin , ngunit aking nakita . Gusto kong makita ang aking repleksiyon sa kanyang mga mata, nagpapahiwatig na gusto kong maging parte ng buhay niya.  Kulay ng mainit na kape sa umaga, pagmasdan mo lamang at ika'y sisigla . Mga matang nagiging liwanag sa dilim . Mga matang nasilayan ang pagluha ng aking kaluluwa . Mga matang minahal ang isang katulad ko . Mga matang nakakapagtaboy ng mga negatibong kaisipan . Mga matang aking babalik-balikan .

Hindi Matitinag

Ako'y isang tagapagsunod ng Panginoon . Aaminin ko na nadadapa ako sa aking paglalakbay kasama siya . Ngunit kung mahal mo talaga ang Panginoong may kapal, tatayo ka at babawiin ang mga pagkukulang mo.  Sadyang hindi natin kontrolado ang mga demonyo sa paligid, minsan nga ay ikaw na mismo ang pumipili sakanila . Ang kailangan mo lang gawin ay umalis sa kinatatayuaan mo , magdasal at basahin ang banal na kasulatan ng Panginoon . At kung hindi man ako mapunta sa langit dahil ako'y makasalanan , ay sana ang mga binigyan ko ng payo tungkol sa Panginoon ang makapunta roon . Tunay ngang hindi natin maikot sa ating maliliit na kukote ang konsepto ng mga ito. Ngunit ang pinaka-importante na meron ka ay ang takot sa Panginoon at ang iyong hindi matinag na pananalig sakanya .

Kamusta kayo?

Magandang gabi! Matagal na noong huli akong sumulat rito. Kung tinatanong niyo kung anong meron sa buhay ko ngayon ay... Masasabe ko lamang na walang kwenta ang aking bakasyon. Walang mapuntahan, walang malapitan... Hindi ko pa makasama ang aking minamahal.  Magkakasakit yata ako ngayon araw na ito. Sisipagin nako magsulat rito, pagod nakong maging tamad. Paalam muna!

Pagsusulit

Kamusta! Pag-susulit na bukas, sana makapasa ako. Pero kung hindi, okay lang naman at sana makabawi. Sana okay lang rin grades ko sa mga subjects, masaklap 'to promise. Paalam!