Magandang umaga! Ako nga pala si Denzel Concepcion ! Isang taong maraming gustong gawin sa buhay, narito ako ngayon upang mag-lakbay ng ibang alternatibong gawin kesa mag-pakabored sa bahay. Kahit noong una pa lang, ako'y gumagamit na ng journal upang ilahad ang lahat ng nangyari sa aking araw, pero sa pagkakataong ito, mailalahad ko na ito sa publikong espasyo! Kaya inaasahan kong sana ay balikan ko tong mga pinaggagawa ko sa buhay at sabihing: " Shocks! Ako pala 'to? " Kaya narito ako ngayon, nag-susulat na parang makata na ewan. HAHAHAHAHAHA. 'Di bali na! Maligayang pagbabasa sa aking arkibo! Paalam!
Kamusta? Lahat sainyo ay gumamit na ng apps nato? Kahit mapa youtube , facebook or twitter pa. Lahat ito ay nasa ilalim ng social media , kung iisipin natin, walang tao o bibihira ang mga taong walang social media? Pero paano kung ginawa ko tong isang pagsubok? Isa sa mga dahilan kung bakit ako'y adik sa telepono ay ang social media, ang pag-scroll sa instagram and pag-rerepost sa tiktok ay parang naging hobby ko na. Pero napagtanto ko sa sarili ko na: " Nag-sasayang lang ako ng oras dito? Kung gusto kong mag-bago, may dapat akong gawin " At iyon na nga ang aking ginawa! Nag-bura ako ng youtube, tiktok, instagram, reddit , threads , facebook, lahat! Bukod sa messenger , doon ako nag-tetext eh... Pero seryoso! Sa sobrang adik ko, mayroon na akong muscle memory kung saan automatikong napupunta ang aking daliri sa mga apps na binura ko. Kaya nong inalis ko ang aking social media ay paulit-ulit kong binabalikan ang mga apps na wala na! Napaka-tahimik noong umpisa, halos...
Magandang araw! Hindi ko alam pero namimiss ko yung dating ako. Yung magaling makipagtalastasan, yung mapagmahal at hindi masakit masalita. Dahil ba ito sa mga taong nakapaligid sakin? Puro reklamo, puro masasakit na salita, puro mga mabibigat na ideya. Madali akong maimupluwensiyahan, kaya heto ako ngayon, bumabalik sa mga dating masamang gawi. Pero ngayon na inaayos ko na ulit ang aking sarili, napagtanto ko na pupwede pa palang magbago ulit? Palagi naman. Sabi ko sa sarili ko na kapag dumating ang panahon na hindi nako magbabago ay oras na patay nako. Alam ko ang tama sa mali, ngunit minsan, nadadala tayo ng malalakas na alon na lumulunod saatin sa pagiisip. Kapag naririnig ko ang mga salitang "mabait", "maka-Diyos" at "kaibigan ng lahat", naiisip ko ang dati kong sarili. Titiwalag ako sa mga taong mali ang ginagawa, wala akong paki-alam kung mabawasan ako ng kaibigan, kung hindi tama, hindi tama. Nangungulila nako sa dati kong gawi.
Comments
Post a Comment