Kilala mo ba ang sarili mo?

Kilala mo ba ang sarili mo?


Napagtatanto mo ba kung ano ang mga gusto mo?

Napapagtano mo ba na minsan ay panig ka sakabilang dako dahil mas malakas ang bugso ng damdamin ng puso mo?

Na minsan na pinapairal ang utak bago ang isip at puso.


Sino ka nga ba kung walang nakakakita?

Walang madla na kailangang manghaain.

Walang mga mata na gustong mabusog sa iyong ihahahin.

Walang mga puso na dumadaing dahil wala silang natanggap na kapalit, kahit akala mong hindi sila naghihintay ng kahit ano, malaki man o maliit.


Tunay ngang hindi pa natin lubusang alam ang ating mga sarili.


Tumutulong sa kapwa pero iniisip kung ano ang gusto matanggap pabalik.


Nagsasabi ng totoo ngunit sa paraang iniba mo na ang buong kwento. 


Nagsasabi ng kabutihan, ngunit sa kailailaliman, ay ang pakiramdam na maghasik ng kasamaan sa lahat ng bumilang na hindi sangayon sa opinion mo na magkatugma sa diablo na lubos lubusang nakakapanlilang, saglit lang, hindi kapaba naiilang? 


Sa mga kinikilos mo, ika'y tunay na ngang nalilibang.


Kung ibalibag nga ang upuan, parang gusto mong tapusin ang buong angkan. Nagpapasakop ka agad sa galit' kamangmangan, kaya kapag hindi naisakatuparan ang gustong maranasan, ika'y magdadabog na parang isang batang limang taong gulang. 


Hindi ko kailangan taasan ang boses upang masabi ang aking hinaiing. Dahil alam kong mas matalas pa ang aking mga salita kesa sa iyong patalim.


Comments

Popular posts from this blog

Pinaka-unang salaysay!

Social Media

Lumang Ako