Kakaiba
Napaka-kakaiba sa pakiramdam ng mga oras ngayon.
Parang sawang-sawa nako sa mga bagay ngayon.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman.
Siguro nababaliw nanaman.
Paki-ramdam ko mahirap talaga ako intindihin.
Walang salita ang hindi ko inisip pagkatapos ko itong banggitin.
Mahirap talaga akong intindihin.
Mahirap akong mahalin.
Sa pagsulat ko nalang nailalabas ang aking mga hinaing.
Hindi ako masaya, hindi ako malungkot, hindi ako galit at hindi rin ako nananabik.
Gusto ko ng bago.
Gusto ko ng bagong mga bagay.
Gusto ko yung hindi ako sanay.
Gusto ko nalang magpakalulong sa pagtulog.
Ngunit kahit pagtulog ay may hangganan.
Gusto ko nalang managinip ng walang nakakaalam.
Ang balikat ay palaging nakataas.
Palaging nagmamatyag.
Laging nagpapanic, na parang may kakakagat na ahas.
Alam kong pagod ako pero hindi ko alam kung paano ako titigil sa pagtratrabaho.
Kapag naman hindi ako gumagawa ng mga proyekto, assignments at deadline, parang wala akong kwenta.
Kahit musika hindi narin nakakapag-pasaya sa'kin.
Napatawad ko na ang sarili ko. Napatawad ko narin ang lahat. Alam kong imperpekto ako, alam 'yun ng lahat.
Hindi na yata nakakatuwa 'tong mga oras na'to.
Senyales na hindi ko na naalagaan ang sarili ko ay ang aking hibla ng buhok.
Ang aking mukha.
Ang aking boses.
Ang aking mata.
Palagi naman akong nandyaan para sakanila, ngunit wala namang tao ang nandyaan para sa'kin.
Sino nga ba ang nandyaan para sumalo sa'kin? Mistulang hangin lang ba ako sa inyong paningin?
Walang nakakaalam, nagdudusa nako, ayoko na. Sawang-sawa naman na ako. Napaka-lalim na ng kalungkutan na'to.
Kinakausap ko na ang mga taong 'di naman kailangan.
Kinakausap ko na ang mga talang hindi naman magbibigay ng kasagutan.
Kinakausap ko narin ang mga halaman na walang kaalam-alam.
Kinakausap ko narin ang sarili ko pero wala parin ang sagot na inaasam.
Ano nga bang meron kapag natapos ang lahat? Ano nga bang meron kapag wala na ang lahat.
Wala yata akong kwenta, ganoon na 'yun. Kilala lang nila ako dahil ako yung magaling magtula, yung magaling mag-edit, yung magaling magpatawa, yung magaling gumawa ng kanta, yung magaling mag-bigay ng hinuha.
Nakakalungkot, tunay na nakakalungkot. Aaminin ko na wala talaga akong kaibigan, wala akong lugar na makakapagbahagi ng kahit anumang estupidong mga tanong at nararamdaman. Nagpapakalunod nalang ako sa mga titik at larawan.
Huwala naman ng makakatulong sa'kin, ngunit ang aking sarili nalamang. Panginoon, alam kong nariyan ka, pero nanlalamya na ang iyong sundalo. Gusto ko nalang masalo ng iyong kamay.
Kakaiba talaga ang simoy ng hangin, parang may masamang parating.
Nakakatuwa nga minsan, iniisip ko nalang na masagasaan.
Yung parang nakikita niyo sa mga palabas? Siguro wala na talaga ako sa tamang landas.
Gusto ko yung pag-namatay ako, may masayang parada.
Yung ipapakita niyo yung mga dogshow ko na malala.
Nakakatawa talaga ako, ewan.
Ayun, sige na. Paalam.
Comments
Post a Comment