"Mapapatawad paba?"

 Narito nanaman ako sa puntong magulo na ang lahat.

Narito nanaman ako sa puntong inuulit-ulit ko na ang lahat.

Narito nanaman ako kung saan nagsimula ang lahat.


Bakit ganoon? Umuulit lang ako ulit?

Ganon ba talaga ako kahina?

Ganon nalang 'din ba ako kadaling tuksuhin?

Ganito nalang ba talaga ang ikot ng buhay ko?


Aaminin ko, maramdamin akong tao. Lahat ng salita, biro man o pangkukutya, dinadamdam ko hanggang sa pagsulat nitong tula. Pero kung iisipin, ganoon rin ako. Bumabalik nanaman sakin ang masahol na pananalita, bumabalik nanaman ang komedya kong basura. Bumabalik nanaman ako sa sariling kasamaan.


Denzel? Kinaya mo ng kalahating taon. Nakita mo diba yung lahat ng puwede mong maging potensyal? Denzel? Nakita mo ba yung sarili mong lumiwanag? Denzel? Nakita mo ba yung tiwala ng tao saiyo? Diba pinagtanggol mo siya? Diba binigyan mo siya ng rason na mabuhay pa? Diba mabait ka? Diba mapagkumbaba ka?


Nangako ka sa lahat, tinupad mo rin ang lahat.

Nangako ka sa sarili mo, binalewala mo ang lahat.


Nauubos na ang kaluluwa ko, nauubos na ang dati kong sarili.

Wala ng mitsa ang aking kaluluwa.

Wala ng Panginoon sa aking mga sambitla.

Wala ng pakukundangan ang aking pananalita.

Wala na rin akong pakialam kung masira man kita.


Ano na Denzel? Ikaw pa ba 'yan? O isang halimaw na nagpapanggap na tupa? Denzel, ano? Ikaw paba 'yan?


Denzel, ano ba? Umiiyak ka nanaman habang sinusulat ito. Pero hindi mo naisip na magbago habang ginagawa mo pa lahat ng kasamaan.


Denzel, malinis kaba talaga o marumi? Mapapatawad kapa ba?

Hanggang dito na lamang ito Denzel. Bumalik kana, bumalik kana sa dati mong kwarto.


Saksi ang kwarto mo sa pagbabago, saksi ang kwarto mo sa pagbabago, saksi ang kwarto mo sa paghagulgol mo.


Saksi rin ang kwarto mo sa kasamaan na dinudulot mo, saksi rin ang kwarto mo sa pagbabagobagong pagbabalewala ng salita ng Diyos. Saksi rin ang kwarto mo sa pagiging makasalanan mo.

Lahat raw ng tao ay masama, pero bakit ako hinahampas ng katotohanan na mas masama ako palagi?


Lahat nalang, pumapasok sa puso ko. Mabuti at masama.

Pagod nako. Pagod na. Pero nagawa ko ng kalahating taon. Denzel, kinaya mo. Alam kong kakayanin mo ulit.


Denz, nandito lang ako. Umaakay sa'yo. Nandito lang ako, Denz! Alam kong nandyaan kapa!


Hanggang dito nalang ang luha mo, sa tulang to, tahan na. Mahal ko ang sarili ko kahit ganyan ka, mahal kita Lord kahit ganito ako, mahal ko kayo kahit nasasaktan ko kayo.


Panginoon, mapapatawad paba? Lord, mahal na mahal kita! Pasensya kung ganito ang sundalo mo, mahina. Pasensya sa lahat ng nasira ko. Pasensya, mapatawad po sana...


Comments

Popular posts from this blog

Pinaka-unang salaysay!

Lumang Ako

Social Media