Isang pampublikong talaan ng isang bored na estyudyante.
Pagsusulit
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Kamusta!
Pag-susulit na bukas, sana makapasa ako. Pero kung hindi, okay lang naman at sana makabawi. Sana okay lang rin grades ko sa mga subjects, masaklap 'to promise.
Magandang umaga! Ako nga pala si Denzel Concepcion ! Isang taong maraming gustong gawin sa buhay, narito ako ngayon upang mag-lakbay ng ibang alternatibong gawin kesa mag-pakabored sa bahay. Kahit noong una pa lang, ako'y gumagamit na ng journal upang ilahad ang lahat ng nangyari sa aking araw, pero sa pagkakataong ito, mailalahad ko na ito sa publikong espasyo! Kaya inaasahan kong sana ay balikan ko tong mga pinaggagawa ko sa buhay at sabihing: " Shocks! Ako pala 'to? " Kaya narito ako ngayon, nag-susulat na parang makata na ewan. HAHAHAHAHAHA. 'Di bali na! Maligayang pagbabasa sa aking arkibo! Paalam!
Kamusta? Lahat sainyo ay gumamit na ng apps nato? Kahit mapa youtube , facebook or twitter pa. Lahat ito ay nasa ilalim ng social media , kung iisipin natin, walang tao o bibihira ang mga taong walang social media? Pero paano kung ginawa ko tong isang pagsubok? Isa sa mga dahilan kung bakit ako'y adik sa telepono ay ang social media, ang pag-scroll sa instagram and pag-rerepost sa tiktok ay parang naging hobby ko na. Pero napagtanto ko sa sarili ko na: " Nag-sasayang lang ako ng oras dito? Kung gusto kong mag-bago, may dapat akong gawin " At iyon na nga ang aking ginawa! Nag-bura ako ng youtube, tiktok, instagram, reddit , threads , facebook, lahat! Bukod sa messenger , doon ako nag-tetext eh... Pero seryoso! Sa sobrang adik ko, mayroon na akong muscle memory kung saan automatikong napupunta ang aking daliri sa mga apps na binura ko. Kaya nong inalis ko ang aking social media ay paulit-ulit kong binabalikan ang mga apps na wala na! Napaka-tahimik noong umpisa, halos...
Kamusta! Alam mo bang nakabuo na ako ng isang maliit pero dedicated na banda? Nakaka-proud nga. Sabi nga sa akin ng ChatGPT, 70% na maging totoo at 30% magic ang pagkabuo neto, pero sa tingin ko, pinalad kami. Pero sa puntong ito, kinakain na ako ng takot. Takot na may mangyaring masama, at mawatak ng maaga ang aming banda. Takot na hindi kami magustuhan. Takot na seryosohin ito. Alam ko naman sa akin sarili na kaya naming lahat mag-tagumpay sa larangan ng musika, pero tinatanong ko lagi sa sarili ko na: " Kakayanin ko ba ang pressure na maging leader? Kahit ako sa sarili ko ay takot? " Ako ang nagsimula ng isang malaking proyekto na ito at ako ang natatakot, how ironic nga naman? HAHAHA. Alam kong parte ang takot sa paglago, pero 'wag natin hahayaan na lamunin tayo nito. Lahat ng ginagawa ko ay laging may kaakibat na takot sa puso at pangamba sa magaganap, pero hindi ito makakapigil sa paggawa at pagbuo ko ng isang bagay. Ito ang pinaka-tamang panahon maranasan lahat ng...
Comments
Post a Comment