Hindi Matitinag
Ako'y isang tagapagsunod ng Panginoon. Aaminin ko na nadadapa ako sa aking paglalakbay kasama siya. Ngunit kung mahal mo talaga ang Panginoong may kapal, tatayo ka at babawiin ang mga pagkukulang mo.
Sadyang hindi natin kontrolado ang mga demonyo sa paligid, minsan nga ay ikaw na mismo ang pumipili sakanila. Ang kailangan mo lang gawin ay umalis sa kinatatayuaan mo, magdasal at basahin ang banal na kasulatan ng Panginoon.
At kung hindi man ako mapunta sa langit dahil ako'y makasalanan, ay sana ang mga binigyan ko ng payo tungkol sa Panginoon ang makapunta roon.
Tunay ngang hindi natin maikot sa ating maliliit na kukote ang konsepto ng mga ito. Ngunit ang pinaka-importante na meron ka ay ang takot sa Panginoon at ang iyong hindi matinag na pananalig sakanya.
Comments
Post a Comment