Posts

"Kanino ba?"

 Para kanino nga ba lahat ng ginagawa ko? Nasa punto na ako kung saan hindi ko na maramdaman  kung sino ba talaga ako. Ilang araw na walang tulog, ilang araw na walang kain. Para lang masungkit ang mga medalyang nagniningning. Ngunit saan ako huhugot ng lakas kung lahat ay walang paki-alam? Saan ako hahanap ng makakausap na naiintindihan ang pinagdadaanan ko? Saan ako hahanap ng kakampi na hindi dumadaing?  Lilipas rin lahat ng 'to, pero ang dugo at pawis na ginugol ko ay magiging mantsya sa mga damit ko. Pero kanino? Kanino ko iaalay ang pagkamit ng ginto?  Kung lahat naman ng tao sa buhay ko ay lumabas na sa pinto.

Kakaiba

 Napaka-kakaiba sa pakiramdam ng mga oras ngayon.  Parang sawang-sawa nako sa mga bagay ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Siguro nababaliw nanaman. Paki-ramdam ko mahirap talaga ako intindihin. Walang salita ang hindi ko inisip pagkatapos ko itong banggitin. Mahirap talaga akong intindihin. Mahirap akong mahalin. Sa pagsulat ko nalang nailalabas ang aking mga hinaing. Hindi ako masaya, hindi ako malungkot, hindi ako galit at hindi rin ako nananabik. Gusto ko ng bago.  Gusto ko ng bagong mga bagay. Gusto ko yung hindi ako sanay. Gusto ko nalang magpakalulong sa pagtulog. Ngunit kahit pagtulog ay may hangganan. Gusto ko nalang managinip ng walang nakakaalam. Ang balikat ay palaging nakataas. Palaging nagmamatyag. Laging nagpapanic, na parang may kakakagat na ahas. Alam kong pagod ako pero hindi ko alam kung paano ako titigil sa pagtratrabaho. Kapag naman hindi ako gumagawa ng mga proyekto, assignments at deadline, parang wala akong kwenta. Kahi...

"Mapapatawad paba?"

 Narito nanaman ako sa puntong magulo na ang lahat. Narito nanaman ako sa puntong inuulit-ulit ko na ang lahat. Narito nanaman ako kung saan nagsimula ang lahat. Bakit ganoon? Umuulit lang ako ulit? Ganon ba talaga ako kahina? Ganon nalang 'din ba ako kadaling tuksuhin? Ganito nalang ba talaga ang ikot ng buhay ko? Aaminin ko, maramdamin akong tao. Lahat ng salita, biro man o pangkukutya, dinadamdam ko hanggang sa pagsulat nitong tula. Pero kung iisipin, ganoon rin ako. Bumabalik nanaman sakin ang masahol na pananalita, bumabalik nanaman ang komedya kong basura. Bumabalik nanaman ako sa sariling kasamaan. Denzel? Kinaya mo ng kalahating taon. Nakita mo diba yung lahat ng puwede mong maging potensyal? Denzel? Nakita mo ba yung sarili mong lumiwanag? Denzel? Nakita mo ba yung tiwala ng tao saiyo? Diba pinagtanggol mo siya? Diba binigyan mo siya ng rason na mabuhay pa? Diba mabait ka? Diba mapagkumbaba ka? Nangako ka sa lahat, tinupad mo rin ang lahat. Nangako ka sa sarili mo, binalew...

"Lalim"

May tiwala kaba sa bugso ng tadhana?  Sa una ka lang i-tratrato ng tama, ngunit isang kisapmata mo lamang ay parang tinamaan ka na ng kalibre ng bala? Isang tinik na hindi mo matanggal. Sinakal mo na ang sarili ng lahat lahat ngunit nandoon parin sa lalamunan   ang sagabal. Isang bubuwit na nasa puso, walang ginawa kundi subukang humalagpos. Ayaw niyang nasasaktan, kaya hindi makatulog sa gabi kahit may bundok na ng unan na kasing init ng yakap ng isang ina na nagpapatahan. Bakit ba ganito? Masarap sa una, mahapdi sa dulo. Bakit ba ganito? Hindi ko naman pinili ang katapusan, pero ang tadhana na ang tumapos nito. Bakit ba ganito? Sadyang madalim ba ang aking kapalaran?  Sadyang mahirap ba talaga ang aking tatahakin? Sadya bang pinaglalaruaan lang ako ng hangin?  Sadya lang ba talaga lahat ng 'to? Kahit anong lalim ng pag-iisip, hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan. Ito ba ang sulat ng langit? Na hindi ko na muli makikita ang aking sarili na ngumiti. Ayos lang...

Kilala mo ba ang sarili mo?

Kilala mo ba ang sarili mo? Napagtatanto mo ba kung ano ang mga gusto mo? Napapagtano mo ba na minsan ay panig ka sakabilang dako dahil mas malakas ang bugso ng damdamin ng puso mo? Na minsan na pinapairal ang utak bago ang isip at puso. Sino ka nga ba kung walang nakakakita? Walang madla na kailangang manghaain. Walang mga mata na gustong mabusog sa iyong ihahahin. Walang mga puso na dumadaing dahil wala silang natanggap na kapalit, kahit akala mong hindi sila naghihintay ng kahit ano, malaki man o maliit. Tunay ngang hindi pa natin lubusang alam ang ating mga sarili. Tumutulong sa kapwa pero iniisip kung ano ang gusto matanggap pabalik. Nagsasabi ng totoo ngunit sa paraang iniba mo na ang buong kwento.  Nagsasabi ng kabutihan, ngunit sa kailailaliman, ay ang pakiramdam na maghasik ng kasamaan sa lahat ng bumilang na hindi sangayon sa opinion mo na magkatugma sa diablo na lubos lubusang nakakapanlilang, saglit lang, hindi kapaba naiilang?  Sa mga kinikilos mo, ika'y tunay na ...

Lumang Ako

Magandang araw!  Hindi ko alam pero namimiss ko yung dating ako. Yung magaling makipagtalastasan, yung mapagmahal at hindi masakit masalita.  Dahil ba ito sa mga taong nakapaligid sakin? Puro reklamo, puro masasakit na salita, puro mga mabibigat na ideya. Madali akong maimupluwensiyahan, kaya heto ako ngayon, bumabalik sa mga dating masamang gawi. Pero ngayon na inaayos ko na ulit ang aking sarili, napagtanto ko na pupwede pa palang magbago ulit? Palagi naman. Sabi ko sa sarili ko na kapag dumating ang panahon na hindi nako magbabago ay oras na patay nako. Alam ko ang tama sa mali, ngunit minsan, nadadala tayo ng malalakas na alon na lumulunod saatin sa pagiisip. Kapag naririnig ko ang mga salitang "mabait", "maka-Diyos" at "kaibigan ng lahat", naiisip ko ang dati kong sarili. Titiwalag ako sa mga taong mali ang ginagawa, wala akong paki-alam kung mabawasan ako ng kaibigan, kung hindi tama, hindi tama. Nangungulila nako sa dati kong gawi.

"Ikaw Lang"

" Isang mundo na punong-puno ng mga mukha , Sa dami ng tao, ikaw lang ang aalayan ng tula . Mawala man ang init mo sa aking tabi, Ikaw lang ang tanging itatangi sa gabi "